Thursday, July 29, 2010

Unofficial Jimac Incorporated Open Forum

Dahil sa mga mapanirang-puri na mga comments ay magiging moderated na ang pagcocomment sa blog na ito. Tanging mga comments na sa tingin ko ay makakatulong sa Jimac ang maipopost dito.

Ito ang ilan sa mga issue ng Jimac sa ngayon:

TransDel
Ito ang maaaring ikabagsak ng Jimac kung hindi ititigil ang development

Contributions
SSS, Philhealth, Pag-ibig at Income Tax na dapat ay natutugunan ng Jimac

Workplace/Employees' Welfare
Hindi lang puro kliyente ang dapat alagaan kundi maging ang mga empleyado ng kompanya. Hindi ibig sabihin na ung maliit na salamin lang ang napansin ko ay iyon lang ang bibigyang-pansin. Sa pagpapaayos kaagad sa mga nasirang kagamitan gaya ng aircon, mga programang para sa ikabubuti ng mga empleyado, pagpapanatili ng pisikal at emosyonal na kalusugan ng mga empleyado, gawing kaaya-ayang workplace ang Jimac atbp., ang HR ang responsable sa mga bagay na ito at hindi lang sa pagcocompute ng mga late at absences ng mga empleyado na sa bahaging iyon ay napakabilis tumugon ng HR Department.

Effective Leadership
Sa presidente, sa managers at mga head, assignment niyo yan! Alam niyo ba na ang isa sa susi ng ikapagtatagumpay ng kompanya ay ang makuha ninyo ang loyalty ng mga empleyado? Ibigay ninyo ang gusto nila at hindi nila kayo iiwan. Pakitunguhan niyo sila ng maayos upang sila'y magtatrabaho ng maayos. Maging mabuti kayong ehemplo at sila'y susunod sa inyo.

Employee Interrelationship
Tamang pakikitungo sa kapwa empleyado at work ethics